Exodus 30:1-5

Ang Altar na Pagsusunugan ng Insenso

(Exo. 37:25-28)

1“Magpagawa ka ng altar na akasya na pagsusunugan ng insenso. 2Kailangang kwadrado ito-18 pulgada ang haba at ang lapad, at tatlong talampakan ang taas. Kailangang mayroon itong parang sungay sa mga sulok na kasamang ginawa nang gawin ang altar. 3Balutin mo ng purong ginto ang ibabaw nito, ang apat na gilid, at ang parang sungay sa mga sulok nito. At lagyan mo ito ng hinulmang ginto sa palibot. 4Palagyan ng dalawang argolyang ginto sa ilalim ng hinulmang ginto sa magkabilang gilid ng altar, para pagsuksukan ng mga tukod na pambuhat dito. 5Gumawa ka ng tukod na gawa sa kahoy ng akasya at balutan ito ng ginto.
Copyright information for TglASD